Marami akong
kilalang tao na sasagot ng syempre kapag tinanong mo kung gusto nilang
mag-succeed sa ginagawa nila! Wala namang taong ginusto na hindi
magtagumpay sa ginagawa nila, pero bakit marami parin ang hindi makuha
ang gusto nilang mangyari sa buhay nila? Simple lang – kulang kasi sila
sa pagnanasa. Oo, tama ang nabasa mo, maraming tao ang gustong maging
successful pero marami rin sa kanila ang hindi sapat ang pagnanasa na
magtagumpay! Paano nangyari yun? Kasi karamihan sa kanila ay gusto lang
maging successful ng walang ginagawa.
“Law of Equal Exchange” kung mahilig ka sa mga anime series, sigurado akong alam mo ang batas na ito. “You cannot gain something without sacrificing something of equal value.” Hindi
ka pwedeng maging successful pag wala kang sinakripisyo para maging
successful at yan ang dahilan kung bakit marami paring tao ang gustong
maging matagumpay pero hindi naman nagkakatotoo. Kahit anong “Law of Attraction”
kahit anong klaseng pag-aattract mo sa isang bagay, pag hindi mo
nilagyan ng sapat na action para magka-totoo ito ay wala ring
mangyayari.
Sa dinami dami ng
videos sa YouTube, isa lang ang palagi kong pinapanood at isa lang ang
worth it (para sakin) na panoorin ng paulit ulit. Panoorin mo ang video
na ito at sigurado akong maiisip mo sa sarili mo na hindi ka pa nga
talaga dapat maging successful sa ginagawa mo ngayon. Isang
inspirational video na magsasabi sa’yo na hindi pa sapat ang ginagawa mo
ngayon para maging successful ka.
Baka sabihin mo
naman; teka, hindi ganyan ang turo ng mentor ko ah! Ang sabi niya sa
akin, basta alam mo kung papano gagawin, hindi mo na kailangan
paghirapan ang sarili mo! Oo nga, hindi mo na kailangan pahirapan ang
sarili mo, pero kung wala ka namang ginagawa para i-apply ang strategies
na alam mo ay wala ring mangyayari. Sabihin na nating alam mo kung
papano mag-endorse ng company mo sa ibang tao at sabihin na rin natin na
kaya mong mag-training ng ka-grupo mo, pero kung wala kang drive at
determination para gawin ang mga bagay na ito ay wala ring mangyayari.
Gaano nga ba katotoo
na maraming tao ang gustong maging successful at ayaw maging successful
ng sabay? Diba maraming networkers ang sumasali sa isang networking
company, saying na gusto nilang kumita ng malaki? Pero sundan mo
sa bahay nila at tignan mo kung anong ginagawa; Facebook, nood TV,
tambay, kwentuhan, at kung ano ano pang walang kinalaman sa pag-eendorse
ng negosyo. Maraming networkers ang sinasabi nila sa sarili
nila na nasa Facebook sila para mag-endorse ng product, pero tignan mo
kung anong ginagawa.
Noong isang araw,
mayroon akong nakausap na networker na ikinuwento sa akin kung ano ang
buhay niya pag-uwi niya ng bahay. Since wala ang pamilya niya dito, siya
lang mag-isa ang nasa bahay nila. Nagigising niya ng 7am ng umaga at
ang unang unang gagawin niya ay isulat ng mga magagandang bagay na meron
siya. Pagkatapos nito ay manonood siya ng business presentations ng
iba’t ibang MLM companies at maghahanda na papunta sa office ng company
nila bago mag-tanghali. Tuloy tuloy siya sa pag-gawa ng negosyo niya
hanggang 8 ng gabi at mag-ttraining ng ka-grupo hanggang hating-gabi.
Pag-uwi niya ng bahay ay yung mga videos pa rin ang pinapanood niya
hanggang sa makatulog na siya.
Ito ang tanong,
gaano katagal na niya ginagawa ang bagay na to? Mula pa noong member
siya ng Forever Living! Ibig sabihin, kahit maliit ang kita niya o kahit
malaki na ang income niya, parehas lang ang ginagawa niyang activities
araw araw. Nasa sistema na niya ang networking at kung ako ang
tatanungin mo, isa siya sa mga pinaka-successful na networker na
nakilala ko; though konti pa lang naman ang nakakausap kong networker ng
ibang company.
Kahit 30 minutes ka
lang araw araw sa Facebook at 30 minutes nanonood ng TV araw araw –
sinasayang mo lang ang 7 hours mo linggo linggo na pwede mong magamit
para palakihin ang network mo; 7 hours na pwede mong magamit para
maturuan ang iba mong ka-grupo kung papano mag-endorse at maging
magaling na marketer ng product. Wala ako sa posisyon para sabihin na
walang kwenta ang ginagawa mo sa oras na meron ka, pero isang bagay lang
ang sigurado ako; kung wala kang babaguhin sa ginagawa mo ngayon, walang magbabago sa kung anong meron ka ngayon.
Kung Gusto mong magsimulang magnegosyo Click here
Say YES to SUCCESS!