Linggo, Marso 30, 2014

Marami akong kilalang tao na sasagot ng syempre kapag tinanong mo kung gusto nilang mag-succeed sa ginagawa nila! Wala namang taong ginusto na hindi magtagumpay sa ginagawa nila, pero bakit marami parin ang hindi makuha ang gusto nilang mangyari sa buhay nila? Simple lang – kulang kasi sila sa pagnanasa. Oo, tama ang nabasa mo, maraming tao ang gustong maging successful pero marami rin sa kanila ang hindi sapat ang pagnanasa na magtagumpay! Paano nangyari yun? Kasi karamihan sa kanila ay gusto lang maging successful ng walang ginagawa.
“Law of Equal Exchange” kung mahilig ka sa mga anime series, sigurado akong alam mo ang batas na ito. “You cannot gain something without sacrificing something of equal value.” Hindi ka pwedeng maging successful pag wala kang sinakripisyo para maging successful at yan ang dahilan kung bakit marami paring tao ang gustong maging matagumpay pero hindi naman nagkakatotoo. Kahit anong “Law of Attraction” kahit anong klaseng pag-aattract mo sa isang bagay, pag hindi mo nilagyan ng sapat na action para magka-totoo ito ay wala ring mangyayari.
Sa dinami dami ng videos sa YouTube, isa lang ang palagi kong pinapanood at isa lang ang worth it (para sakin) na panoorin ng paulit ulit. Panoorin mo ang video na ito at sigurado akong maiisip mo sa sarili mo na hindi ka pa nga talaga dapat maging successful sa ginagawa mo ngayon. Isang inspirational video na magsasabi sa’yo na hindi pa sapat ang ginagawa mo ngayon para maging successful ka.

Baka sabihin mo naman; teka, hindi ganyan ang turo ng mentor ko ah! Ang sabi niya sa akin, basta alam mo kung papano gagawin, hindi mo na kailangan paghirapan ang sarili mo! Oo nga, hindi mo na kailangan pahirapan ang sarili mo, pero kung wala ka namang ginagawa para i-apply ang strategies na alam mo ay wala ring mangyayari. Sabihin na nating alam mo kung papano mag-endorse ng company mo sa ibang tao at sabihin na rin natin na kaya mong mag-training ng ka-grupo mo, pero kung wala kang drive at determination para gawin ang mga bagay na ito ay wala ring mangyayari.
Gaano nga ba katotoo na maraming tao ang gustong maging successful at ayaw maging successful ng sabay? Diba maraming networkers ang sumasali sa isang networking company, saying na gusto nilang kumita ng malaki? Pero sundan mo sa bahay nila at tignan mo kung anong ginagawa; Facebook, nood TV, tambay, kwentuhan, at kung ano ano pang walang kinalaman sa pag-eendorse ng negosyo. Maraming networkers ang sinasabi nila sa sarili nila na nasa Facebook sila para mag-endorse ng product, pero tignan mo kung anong ginagawa.
Noong isang araw, mayroon akong nakausap na networker na ikinuwento sa akin kung ano ang buhay niya pag-uwi niya ng bahay. Since wala ang pamilya niya dito, siya lang mag-isa ang nasa bahay nila. Nagigising niya ng 7am ng umaga at ang unang unang gagawin niya ay isulat ng mga magagandang bagay na meron siya. Pagkatapos nito ay manonood siya ng business presentations ng iba’t ibang MLM companies at maghahanda na papunta sa office ng company nila bago mag-tanghali. Tuloy tuloy siya sa pag-gawa ng negosyo niya hanggang 8 ng gabi at mag-ttraining ng ka-grupo hanggang hating-gabi. Pag-uwi niya ng bahay ay yung mga videos pa rin ang pinapanood niya hanggang sa makatulog na siya.
Ito ang tanong, gaano katagal na niya ginagawa ang bagay na to? Mula pa noong member siya ng Forever Living! Ibig sabihin, kahit maliit ang kita niya o kahit malaki na ang income niya, parehas lang ang ginagawa niyang activities araw araw. Nasa sistema na niya ang networking at kung ako ang tatanungin mo, isa siya sa mga pinaka-successful na networker na nakilala ko; though konti pa lang naman ang nakakausap kong networker ng ibang company.
Kahit 30 minutes ka lang araw araw sa Facebook at 30 minutes nanonood ng TV araw araw – sinasayang mo lang ang 7 hours mo linggo linggo na pwede mong magamit para palakihin ang network mo; 7 hours na pwede mong magamit para maturuan ang iba mong ka-grupo kung papano mag-endorse at maging magaling na marketer ng product. Wala ako sa posisyon para sabihin na walang kwenta ang ginagawa mo sa oras na meron ka, pero isang bagay lang ang sigurado ako; kung wala kang babaguhin sa ginagawa mo ngayon, walang magbabago sa kung anong meron ka ngayon.


Kung Gusto mong magsimulang magnegosyo Click here

Say YES to SUCCESS!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento